Sabado, Marso 24, 2012

Town Culture: Trip to Liliw, Luisiana, and Lucban

Pagkatapos namin pumunta sa Los Banos, bumalik kami sa aming tinuluyan para maghanda dahil pupunta na kami sa Liliw, Luisiana at Lucban.

Liliw
Ang Liliw ay sinasabing “shoe capital”din ng Pilipinas tulad ng Marikina. Malugod na tinatanggap ng mga tao ang mga bisita, kumbaga magiliw sila at bukas ang isip sa pag-unawa. May isang kaganapan nga na nagtanong ang isa kong kaklase sa isang tindahan ng mga sapatos kung pwedeng makigamit ng kanilang palikuran at walang sabi sabi, sila ay pumayag.

Maraming tao ang bumibisita sa Liliw. Karamihan nga, sa tingin ko, bukod sa mga turista, sila ay taga-ibang lugar, hindi sa Laguna, maaaring sa Maynila tulad namin.

Karamihan ng mga tao ay nagtitinda, nagtitinda ng mga sapatos, pagkain-pampasalubong man o hindi, mga belts, doormats, bags, pitaka, shades, mani at marami pa, iba’t iba kaya marami ka talagang mapagpipilian.
Ang pinkapatok nga sa Liliw ay ang kanilang mga sapatos o tsinelas dahil dito ginaganap ang Tsinelas festival. Kaya marami talaga ang dumadayo para bumili ng mga ito, at bisitahin rin ang isang Simbahan na mukhang naitayo pa nung panahon ng mga Kastila.

Nagustuhan ko sa talaga sa Liliw, bukod sa magigiliw at mababait ang mga tao, mura din ang mga bagay bagay kaya marami akong nabili. Masarap din ang mga pagkain tulad ng espasol at shing a ling. At siyempre hindi ko pinalampas na hindi bumili ng sapatos. 

Spanish-influenced church in terms of architecture in Liliw

Luisiana
Pagdating naming sa Luisiana, kami ng mga kaklase ko ay naging abala sa isang tindahan na punong puno ng mga bayong o mga produktong gawa sa Pandan. Sa Luisiana naman ginaganap ang tinatawag na Pandan Festival.

Ang mga taong nakita ko sa paligin ay karamihan mga kabataan, mga estudyante, meron din mga matatanda na naghahanapbuhay, mga nasa edad 30-50. Naglalaro ang mga kabataan ng skateboard at ang iba naman ang pangunahing hanapbuhay ay pagtitinda at pagmamaneho ng traysikel. At ang iba naman ay namamasyal at bumibili ng iba’t ibang produktong gawa sa pandan. Mayroon mga bayong, sombrero, pitaka, bag at iba pa. May mga pagkaing pampasalubong rin.

Nagulat ako sa napakamurang presyo ng mga produkto, ang isang pitaka ay 20 pesos lamang ngunit wala akong nabili sa Luisiana dahil marami na kong nabili sa Liliw. Maayos at malinis naman ang lugar dahil kung tutuusin sa isang parke kami nakinig ng lektyur mula kay Dr. Duhaylungsod. 

























Lucban
At ang huli naming destinasyon para sa buong araw ng Sabado ay sa Lucban. Ang pinakasikat sa Lucban ay ang kanilang longganisa.  Nagandahan ako sa Lucban dahil mistulang Intramuros ang dating nito sa akin. Parang nagbalik ako sa ibang panahon kung saan payak at simple lang ang pamumuhay ng tao.

Maraming tao ang pakalat-kalat sa daan, kumakain sa mga restoran. Isa na dito ang napakasikat na Buddy’s restaurant.  Kumain nga kami ng aking mga kaklase dun, partikular na ang mga kasama ko sa kwarto na sina Rhea, Abby, Pao at Marj. Napansin ko din na may nagpapatugtog ng malakas na musika na halos rinig ng buong bayan, malapit rin ang bayan sa munisipyo kaya sa tingin ko disiplinado at matiwasay naman ang pamumuhay ng mga tao. Malapit rin ang simbahan, para nga ito nung panahon ng Kastila kung saan ang sentro ay ang pamahalaan at simbahan. Nagsimba rin kami ng aking mga kaklase sa nabanggit kong simbahan.

Sa harap ng Patio Rizal, kung saan kami nanatili, may parke at maraming tumatambay na kabataan. Sabi pa  nga ng isa kong kaklase, doon daw ginanap ang isang eksena sa pelikulang Zombadings: Patayin Sa Shokot si Remington. Marami din ang namamasyal at naghahanap ng mga restoran na pwedeng kainan at maaaring ang iba ay naghahanap ng sikat na sikat na longganisang Lucban. 

Park sa tapat ng Patio Rizal

Pamahalaan-Munisipyo

Maayos at malinis na kalye

Lumang disenyo ng mga gusali




























































Sa kabuuan, napansin ko na halos lahat ng tao sa bawat lugar, Liliw, Luisiana at Lucban, ang ikinabubuhay ay pagnenegosyo-pagtitinda. Nakita ko din na simple at payak lang ang kanilang pamumuhay at mababait at magigiliw ang mga tao sa mga bisita. Napansin ko rin na medyo malinis ang kapaligiran partikular na sa Lucban at Luisiana pero sa Liliw, medyo napansin kong mausok at may konting kalat.  Napagtanto ko rin na importante sa mga mamamayan ng bawat lugar ang kanilang produkto na ipinamamahagi nila, ramdam ko ang pagiging kagilas gilas nila kung pag-uusapan ang tungkol sa mga tsinelas para sa Liliw, pandan para sa Luisiana at longganisa at pansit ng Lucban.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento