Linggo, Marso 4, 2012

Pebrero 27: Pagtatasa ng Kultura

Ang diskusyon namin para sa araw na ito ay umiikot sa pagbuo ng kultura na sumasalamin sa dominanteng interes ng lipunan.

Nalaman ko ang tungkol sa iba't ibang paraan sa pagsuri ng mga "cultural production." Ang una ay pagsuri kung paano ginawa at anong interes ang kadalasang dominante. Ang paraang ito ay tinatawag na analysis of the logic and drivers of production.. Kumbaga kunwari sa mga pelikula, ito yung, ownership, authorship at directorship. Pangalawa naman ay ang pagsuri sa nilalaman o analysis of contents. Ipinapakita dito ang istruktura ng diskurso at mga naratibo. At ang panghuli ay ang pagsusuri sa mga epekto. Tinitingnan dito kung anong mga epekto nito sa iba't ibang relasyong panlipunan.

Mayroon ding pinapanood na mga videos sa amin, "Last Song" ni Elton John, "God Bless the Outcast", isa sa mga OST sa Hunchback of Notre Dame at ang "Mas Mahal Na Kita Ngayon" ni Michael V. Pinakita itong halimbawa ni Dr. Contreras para masuri namin ang mga dominanteng interes na napapaloob sa mga kantang ito na sumasalamin sa lipunan at kung anong epekto nito. Sobrang natatawa aok sa kanta ni Michael V. dahil tungkol ito sa lalakeng binubugbog o sinasaktan ng kanyang kasintahan na hindi mo masisugurado kung babae o kapwa lalake niya rin.

Sa kabuuan, napagtanto ko na marming pwedeng mapaghugutan kung nais mo pag-aralan o suriin ang isang aspeto ng kultura, mapakanta o sayaw pa ang mga ito. Maaaring magkaiba ang ang pagsusuri dito ngunit mananatili pa rin ang konteksto na nais iparating nito. Kahit alam kong minsan iba ang opinyon ng isang tao, hindi naman ito magiging malayo sa dominanteng konteksto na nais talaga iparating ng taong lumikha nito.

Para sa akin, napakagandang karanasan ang matutong magsuri ng iba't ibang cultural production dahil makikita mo ang pagkakaiba-iba ng pananaw at interes ng bawat tao. May mga taong ganito pala ang tingin sa ibang bagay, mayroon naman na ganito ang tingin sa ibang bagay dahil mayroon siyang karanasan noon na na naka-apekto sa paningin niya ukol sa ganoong bagay. Bukod sa nakakatuwa at masaya itong gawin, marami ka pang bagong madidiskubre at matututunan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento