Linggo, Marso 25, 2012

Cultural Product: Red Riding Hood (Political Economic Analysis)

Red Riding Hood 2011


I have chosen the movie “Red Riding Hood” as my cultural product subjected for analysis. First of all, what is the movie all about?

As we all know, there is a similar fairy tale brought about by the Grimm’s tales. This 2011 movie is the modern adaptation of the fairy tale but it has a different twist in the story. This movie is about Valerie, a pretty young lady who is torn between two men. She loves Peter, a simple woodcutter but her parents have arranged her to marry Henry, a wealthy ironman. Wanting to stay together, Valerie and Peter have decided to run away until they learn that Valerie’s sister Lucie has been killed by a werewolf. Over the years, the Daggerhorn village has maintained a truce with the werewolf beast by sacrificing animals. However, under the blood moon, the werewolf has decided to take away human life. To catch this horrible beast, the people have summoned Father Solomon, a werewolf hunter/priest. Father Solomon told them that the werewolf is just in the village and could be one of them that results to unintended consequences. Moreover, Valerie discovers that she can talk with the werewolf and it wants her to run away with it. This unique connection between she and the werewolf makes Valerie think that the werewolf is someone she loves. Finally, one day, when she visits her grandmother who gives her the red cloak, she finds out that her father is the werewolf and she is entitled to be the next beast as she is the heir of the bloodline but because of Peter rescuing her, Peter got the curse as they have killed her father.

The approach that I use to analyze this movie is a combination of feminist-post modern theory. For the feminist approach, the film is directed by a woman, Catherine Hardwicke who is also famous as the director of the viral yet mushy Twilight movie. Moreover, red riding hood is also a lady, Valerie portrayed by Amanda Seyfried. The movie incorporates a woman as someone so strong and can stand with her own words like a man. She is also willing to fight on what is right, seeming like a hero but someone who can also drive a man to rescue. The combination is very great. I think these inputs have challenged the existing image of a woman because today, we are all aware that a woman is more or less accepted as an equal to a man. Working moms, firewomen, policewomen are just some of the roles of woman today. Thus, the movie seems to offer that although the setting is the time when woodcutters, witch and black arts exist, it has presented that woman can fight on her own and is willing to take risks like superheroes who are actually men.

For the post-modern approach, the story is not the usual happy ending because Peter, the one whom Valerie loves, ends up being a werewolf. People at first may think that this will be just a story in which they kill the werewolf and they just live happily ever after. But here, we find the father of the protagonist as the werewolf making her lover suffer the curse, prolonging their happiness. One may not notice or realize that Valerie, being the pretty, kind and strong girl would be the daughter of the werewolf but in fact she is. This challenges what the society usually thinks of as something good which may be really something bad or may tend to have bad side in them. Like what the movie presents, “everyone has their own secrets.” 


*image from Google

Ano nga ba silbi ng mga Festivals? (Political Economy of Festivals)

Halos bawat probinsya sa Pilipinas ay may iba’t ibang festivals o pagdiriwang na ipinagmamalaki ng bawat bayan.  Ang mga pagdiriwang ay mistulang identidad ng mga bayan  hinugot mula sa kultura o tradisyon na namamayani sa bawat bayan. 

Sa aming field trip nabanggit ni Ms. Rica Palis ang tungkol sa konsepto ng OTOP, One Town, One Product. Hindi na yung dating mga “relihiyoso at pangagrikulturang” festivals ang nangyayari sa ngayon. Parang nabaon na sa limo tang tungkol sa konsepto nito bilang isang “relihiyoso at pangagrikulturang” festival, nagsisibling tugon na ito sa hiling ng turismo.

Balikan natin ang OTOP, ditto ang isang bayan ay nakatakdang lumikha ng sarili nilang produkto na kumakatawan sa kani-kanilang mga bayan. Halimbawa na lang ay yung sa Luisiana, kung  tutuusin wala pa nga sila dapat na festival, “nagkaroon lang sila para makasabay sa turismo,” ayon kay Dr. Duhaylungsod. Dito makikita natin na parang nagiging hinggil sa kalakalan ang mga festivals. Kumbaga, pinagkakakitaan na rin ito. Nagkakaroon na rin ito ng epekto sa ekonomiya n gating bansa. Idinagdag din ni Duhaylungsod na ang mga pistang ito ay nagiging daan sa pakkipagtunggali imbis na ibahagi ito bilang isang “relihiyoso at pangagrikulturang” pangyayari.

Bukod sa pagkakaapekto ng mga festivals sa ekonomiya dahil sa pagiging kumersyal nito, pinagmumulan din ang mga festivals ng sigalot sa pagitan ng mga pampulitikang pamilya o mga makapangyarihan o elite. Ayon kay Palis, ang sigalot sa pagitan ng mga pamilyang ito ay nakakaapekto sa pagpapatayo ng community museum tulad na lang ng sa Calamba. Ipinahayag niya na kung masusuri natin ang kultura ng bawat bayan oa ng pagkakataon para sa isang cultural renaissance, magkakaisa ang mga pamilyang ito.

Kung gayon, ano nga ba talaga ang silbi ng mga festivals? Dati ito ay ipinagdidiwang para sa “relihiyoso at pangagrikultura” nitong gamit pero ngayon idinaraos na ito para makasabay sa turismo. Wala namang masama na gawin itong daan sa pag-unlad ng turismo ngunit sana isinasaalang alang pa din natin ang tunay nitong diwa.

Tsinelas Festival

Pandan Festival

Pahiyas Festival


*images from Google

Sabado, Marso 24, 2012

Town Culture: Trip to Liliw, Luisiana, and Lucban

Pagkatapos namin pumunta sa Los Banos, bumalik kami sa aming tinuluyan para maghanda dahil pupunta na kami sa Liliw, Luisiana at Lucban.

Liliw
Ang Liliw ay sinasabing “shoe capital”din ng Pilipinas tulad ng Marikina. Malugod na tinatanggap ng mga tao ang mga bisita, kumbaga magiliw sila at bukas ang isip sa pag-unawa. May isang kaganapan nga na nagtanong ang isa kong kaklase sa isang tindahan ng mga sapatos kung pwedeng makigamit ng kanilang palikuran at walang sabi sabi, sila ay pumayag.

Maraming tao ang bumibisita sa Liliw. Karamihan nga, sa tingin ko, bukod sa mga turista, sila ay taga-ibang lugar, hindi sa Laguna, maaaring sa Maynila tulad namin.

Karamihan ng mga tao ay nagtitinda, nagtitinda ng mga sapatos, pagkain-pampasalubong man o hindi, mga belts, doormats, bags, pitaka, shades, mani at marami pa, iba’t iba kaya marami ka talagang mapagpipilian.
Ang pinkapatok nga sa Liliw ay ang kanilang mga sapatos o tsinelas dahil dito ginaganap ang Tsinelas festival. Kaya marami talaga ang dumadayo para bumili ng mga ito, at bisitahin rin ang isang Simbahan na mukhang naitayo pa nung panahon ng mga Kastila.

Nagustuhan ko sa talaga sa Liliw, bukod sa magigiliw at mababait ang mga tao, mura din ang mga bagay bagay kaya marami akong nabili. Masarap din ang mga pagkain tulad ng espasol at shing a ling. At siyempre hindi ko pinalampas na hindi bumili ng sapatos. 

Spanish-influenced church in terms of architecture in Liliw

Luisiana
Pagdating naming sa Luisiana, kami ng mga kaklase ko ay naging abala sa isang tindahan na punong puno ng mga bayong o mga produktong gawa sa Pandan. Sa Luisiana naman ginaganap ang tinatawag na Pandan Festival.

Ang mga taong nakita ko sa paligin ay karamihan mga kabataan, mga estudyante, meron din mga matatanda na naghahanapbuhay, mga nasa edad 30-50. Naglalaro ang mga kabataan ng skateboard at ang iba naman ang pangunahing hanapbuhay ay pagtitinda at pagmamaneho ng traysikel. At ang iba naman ay namamasyal at bumibili ng iba’t ibang produktong gawa sa pandan. Mayroon mga bayong, sombrero, pitaka, bag at iba pa. May mga pagkaing pampasalubong rin.

Nagulat ako sa napakamurang presyo ng mga produkto, ang isang pitaka ay 20 pesos lamang ngunit wala akong nabili sa Luisiana dahil marami na kong nabili sa Liliw. Maayos at malinis naman ang lugar dahil kung tutuusin sa isang parke kami nakinig ng lektyur mula kay Dr. Duhaylungsod. 

























Lucban
At ang huli naming destinasyon para sa buong araw ng Sabado ay sa Lucban. Ang pinakasikat sa Lucban ay ang kanilang longganisa.  Nagandahan ako sa Lucban dahil mistulang Intramuros ang dating nito sa akin. Parang nagbalik ako sa ibang panahon kung saan payak at simple lang ang pamumuhay ng tao.

Maraming tao ang pakalat-kalat sa daan, kumakain sa mga restoran. Isa na dito ang napakasikat na Buddy’s restaurant.  Kumain nga kami ng aking mga kaklase dun, partikular na ang mga kasama ko sa kwarto na sina Rhea, Abby, Pao at Marj. Napansin ko din na may nagpapatugtog ng malakas na musika na halos rinig ng buong bayan, malapit rin ang bayan sa munisipyo kaya sa tingin ko disiplinado at matiwasay naman ang pamumuhay ng mga tao. Malapit rin ang simbahan, para nga ito nung panahon ng Kastila kung saan ang sentro ay ang pamahalaan at simbahan. Nagsimba rin kami ng aking mga kaklase sa nabanggit kong simbahan.

Sa harap ng Patio Rizal, kung saan kami nanatili, may parke at maraming tumatambay na kabataan. Sabi pa  nga ng isa kong kaklase, doon daw ginanap ang isang eksena sa pelikulang Zombadings: Patayin Sa Shokot si Remington. Marami din ang namamasyal at naghahanap ng mga restoran na pwedeng kainan at maaaring ang iba ay naghahanap ng sikat na sikat na longganisang Lucban. 

Park sa tapat ng Patio Rizal

Pamahalaan-Munisipyo

Maayos at malinis na kalye

Lumang disenyo ng mga gusali




























































Sa kabuuan, napansin ko na halos lahat ng tao sa bawat lugar, Liliw, Luisiana at Lucban, ang ikinabubuhay ay pagnenegosyo-pagtitinda. Nakita ko din na simple at payak lang ang kanilang pamumuhay at mababait at magigiliw ang mga tao sa mga bisita. Napansin ko rin na medyo malinis ang kapaligiran partikular na sa Lucban at Luisiana pero sa Liliw, medyo napansin kong mausok at may konting kalat.  Napagtanto ko rin na importante sa mga mamamayan ng bawat lugar ang kanilang produkto na ipinamamahagi nila, ramdam ko ang pagiging kagilas gilas nila kung pag-uusapan ang tungkol sa mga tsinelas para sa Liliw, pandan para sa Luisiana at longganisa at pansit ng Lucban.

Fitness Culture: SM Calamba and UP Los Banos

Sa gabi ng aming field trip, inobserbahan namin ang isang community aerobics sa loob mismo ng SM Calamba at kinabukasan naman ng umaga, papanoorin namin ang aerobics sa UP Los Banos at mismong ang aming propesor ay isa sa mga nagtuturo.  
              
Sa aerobics na nangyari sa SM Calamba, ang mga kasapi ay puro babae na nasa mga edad 17-70 at may isang bading. Base sa kanilang mga kasuotan, sila ay mga nasa gitnang antas ng lipunan. Lahat sila ay nakasuot ng sports attire, naka-rubber shoes, jogging pants o leggings at t-shirt pero may nakita rin akong mga naka-flats lamang. At ayon sa nakita ko, ang aerobics class na ito ay sa pamamagitan ng kasapian. Ngunit may ilan ilan akong nakikitang mga taong dumadaan ang tumitigil at nakangiting pinagmamasdan ang pagsasayaw, mayroon ilang mga matandang babae ang tumigil at nakisali. Kadalasan ang mga tumitigil at nagmamasid ay babae, pero may ilan ding mga lalake ang tumitigil para manood.

Habang sila ay nag-aerobics, napansin ko na sa simula ay masaya pa sila na sinusundan ang isang babaeng tagapagturo ngunit pagdating sa kalagitnaan, mapapansin mo na yung iba ay hindi na nakakasabay. Ang iba ay pagod na kaagad, lalo na yung mga mas nakakatandang babae tapos yung iba naman hindi naman nila sinusunod yung mga tinuturo o kumbaga hindi naman nila ginagalaw yung katawan nila. Isa lang yung kanta at paulit-ulit lang itong tumutugtog, ang musika ay parang techno, yung tipong pang-aerobics talaga. Kalimitan ng mga rutinaryo ay pang-ehersisisyo talaga na nagiging pasayaw lang.

Ang aerobics na ito ay dapat magsisimula ng 6:30 ng gabi ngunit 7 na ito nagsimula. Sa kabilang banda naman, ang aerobics sa UP Los Banos naman ay nagsisimula sa umaga, mga 5:30. Ang aerobics dito ay hindi ayon sa kasapian, kahit sino ay malugod na tatanggapin.

Ang mga taong nakikilahok ay mga middle-class na mga tao. Malawak ang saklaw ng edad dahil mula bata hanggang matanda ay nakita kong lumahok. Mas marami rin ang babae kaysa lalake pero marami din ang bilang ng mga lalake hindi katulad ng aerobics sa mall, halos lahat babae, at may isa lang lalake ngunit siya ay bading.

Ang mga taong dumadaan at nanonood ay nakakaramdam ng urge na sumali sa aerobics. Kami nga mismo ng aming mga kaklase ay nakilahok at nakisayaw. 4 ang tagapagturo at kabilang sa kanila ang aming propesor. Ang mga tugtog ay kalimitan mga usong kanta at ang mga rutinaryo ay parang mga sayaw kaysa sa aerobics sa mall. Nag-iiba iba ang tugtog, ganon na din ang tagapagturo at medyo nakakapagod talaga ang aerobics dito sa LB, hindi katulad ng sa mall. At napansin ko din na mas nakakasabay ang mga tao sa aerobics dito sa LB kaysa sa mall kahit na mas maraming tao ang nakikilahok sa LB.

Sa kabuuan, medyo nagulat at natuwa ako dahil napagtanto ko na kahti papano ang mga Pilipino ay may malasakit pa rin sa pangangatawan. Hindi ko kasi maalis sa isip ko na may pagka-tamad ang mga Pilipino pero may iilan rin palang nangangalaga sa kalusugan. Natutuwa rin ako na matiyaga silang gumigising sa umaga o nageehersisyo pa sa gabi para lang maging malusog at masigla. Medyo maraming pagkakaiba sa pagitan ng  aerobics sa SM at LB. Nagkakaiba sa bilang at klase ng mga taong lumalahok at sa istilo din ng pagehersisiyo, tagapagturo at ang mga tugtog pero sa huli, iisa lamang ang nais nitong dalawa at yun ay ang mapanatiling malusog ang katawan. 

SM Aerobics:
Kasali din sila pero sila ay nagtanghal sa isang event sa SM

Practice!

Practice X2

Aerobics inside the mall

Girl Power!

Go Girls!


























































































UPLB Aerobics:
Aerobics in LB, bigger. 

They were men too.

See people on the second floor?

My classmates participating!

Professor as one of the instructors

Biyernes, Marso 23, 2012

Mall Culture: SM and Walter Mart

Ipinahambing sa amin ang kultura ng pagmo-mall ng mga Pilipino sa pagitan ng SM Calamba at Walter Mart  Calamba.

Una naming pinuntahan at inobserbahan ang Walter Mart. Napansin ko na konti lang ang mga tao, kung titingnan ang kanilang mga kasuotan sila ay nabibilang sa middle class- lower class o gitna hanggang mababang antas ng lipunan. Mas maraming babae ang nagmo-mall kaysa sa mga lalake kung titingnan ang kabuuan ng nasabing gusali. Subalit dahil ang Walter Mart ay may Bingo, maraming kalalakihan ang nalagi din sa nasabing lugar ngunit partikular sa parte kung saan ginaganap ang Bingo. Bukod sa pamamasyal o window shopping sa loob nito, at pati na rin sa paglahok sa Bingo, napansin ko rin ang mga kabataang  laman ng mga internet shops. Sa totoo lang, masasabi kong wala gaanong namamasyal o window shopping dahil ang mga taong umiikot dito ay siguradong may bibilhin or binili. Kumbaga nakaplano ang pagpunta nila sa Walter Mart dahil mayroon silang partikular na bagay na nais bilhin o nakatakda nilang bilhin.

Sa mga tindahan naman sa loob , karamihan ay mga di kilalang tatak ng mga tindahan ng damit at sapatos ngunit kahit ganito man ang mga bilihin, mura naman at abot kaya ang mga ito. Sa kabuuan, tahimik at maluwag ang buong mall, sa tingin ko hindi masyadong patok sa mga tao ang mga negosyo sa loob nito maliban na lamang sa internet shops at Bingo.

Sa SM naman ay halos kabaligtaran ng sa Walter Mart. Di hamak na mas maraming taon sa SM at ang mga tao ay nabibilang mula sa mataas na antas hanggang sa pinakamababang antas ng lipunan. May mapapansin kang mga propesyonal tapos sa kabilang banda may makikita kang mga jejemon. Sumasaklaw ang mga tao mula sa propesyonal hanggang sa mga tipong, “tambay.”
Dahil sa pisikan na anyo mas malaki ang SM kaysa sa Walter Mart, mas marami itong mga tindahan at mga ang mga presyo ng bilihin ay mas mahal pero hindi lahat, may ilan –ilang mga tindahan na kasing-mura din ng Walter Mart katulad ng Pay Less at Surplus.  Mayroon ding mga popular na salon o  barber shop hindi katulad ng nasa Walter Mart.

Isa pang pagkakaiba na napansin ko ay may information center sa SM kung saan makakapagtanong ka ng kahit anong may kinalaman sa mall, kung may hinahanap kang tindahan, kainan, o taong iyong kasama ngunit sa Walter Mart, wala akong napansin na ganito. Napansin ko din na may elevator sa SM ngunit sa Walter Mart, wala talaga. At mas marami ang tinatawag na “play house” sa SM at ang isa pang pagkakaiba talaga ay ang breast feeding station na nakita ko, na hindi ko rin napapansin sa ibang SM sa Maynila, at mas lalong wala sa Walter Mart.

Kahit na maraming kabataan ang nagi-internet shop sa Walter Mart, mas marami pa ring mga kabataan, naka-uniporme pa, ang palakad lakad sa loob ng SM. Idagdag pa ang nasabing event dahil Women’s Day, may pagtatanghal na ginaganap kung kaya’t marami mga tao ang mga naguusisa at nanonood. Napansin ko din na maraming mga security personnel sa iba’t ibang lugar sa loob ng SM ngunit sa Walter Mart, sa pasukan lang meron gwardiya. Nakita ko rin na mas malinis ang kapaligiran sa loob ng SM kahit na puno ito ng maraming tao saka may mga bakanteng mauupuan o lugar na maaaring maging pahingahan o hintayan o kaya pag simpleng pagod ka lang sa kakalakad at kakaikot sa mall.

Sa kabuuan, masasabi ko na mahilig talaga tayong mga Pilipino na mamasyal sa mall, kahit ano pa ito, mapa-Walter Mart o SM. Isa ito sa mga libangan ng kahit sino, mapabata man o matanda. Nakakapagbigay aliw ito sa mga tao dahil una, hindi naman problema ang pagpasok dito, wala namang entrance fee o bayad. Bukod sa makakabili ka ng iyong mga nais, makakapaggugol ka pa ng oras sa iyong pamilya. Ang pagkakaiba lang sa pagitan ng SM at Walter Mart, ay ang laki at lawak ng gusali, klase ng mga tindahan, at ang bagay na may kinalaman sa seguridad at hintayan ngunit sa klase ng mga tao, halos pareho lang. Hindi maiiwasan na talagang kasama na sa kultura ng mga Pilipino ang pumunta sa mga mall, kahit ano pang araw para maglibang at makonsumo ang kanya-kanya nating pangangailangan.    

WALTER MART: 
internet shop

Bingo Bonanza

Mga kabataan halos ang nasa internet shop

Sinehan na mas mura kaysa sa mga normal na malls tulad ng SM

Mga tindahan na nagbebenta ng mura

Pagmasid sa ground floor ng Walter Mart

Kahit maliit, mayroon itong escalator



Supermarket ng Walter Mart

Pagpasok sa Walter Mart, ito ang bubungad sa iyo

Mga taong papasok sa Walter Mart

Walter Mart sa labas

































































SM CALAMBA:
Mga pumapasok sa SM

2 security guard na agad ang sasalubong

Information Center, wala nito sa Walter Mart

Ang dami ng tao na pumapasok at lumalabas sa SM

Women's Day, madami ang umuusisa

"hintayan"; bakanteng lugar o lounge

Iba't ibang serbisyo, tulad ng LBC na wala din sa Walter Mart

Medical Center sa loob ng SM

Pagmasid sa ibaba ng SM

Food court at iba pang mga stalls

Elevator sa SM!

At may breastfeeding station din.

Hindi na plastik, kundi papel. Save Mother Earth!

Parking space (with cover) mula sa bintana