Linggo, Marso 4, 2012

Marso 1: Pagsusuri ng Diskurso/ Discourse Analysis

Sa araw na ito, maikli lang ang naging diskusyon namin. Napag-aralan namin na ang layunin ng pagsusuri ng diskurso ay social and linguistic description of norms. Pahapyaw din naming napag-usapan ang tungkol sa iba't ibang pamamaraan:

  • Hermeneutics-content analysis
  • Genealogy/Archaelogy-pinagmulan, paano naporma ang diskurso
  • Deconstruction- critical reading of discourse by subverting its apparent significance by uncovering contradictions and conflict within it. 
Hindi kami nakapag-discuss ng marami dahil nawalan ng gana si Sir nung malaman niyang hindi namin ginagawa ang tungkulin namin bilang estudyante, at yun ay ang pagba-blog. Kailangan bawat pagkikita namin sa klase, kami ay gagawa ng reflection ukol sa kung anong natutunan at tumatak sa iyong isipan. Alam kong naging unfair  kami kay Sir dahil bilang isang propesor, binibigay niya ang lahat dahil bokasyon niya ang pagtuturo ngunit hindi namin binabalik ang dapat na respeto at atensiyon na karapat dapat sa kanya. Ngunit masasabi ko na ako'y isa sa mga estudyante na nagba-blog parati at nagbabasa rin ako ng mga readings partikular na ang Asian Americans dahil nagustuhan ko ang nilalaman nito. 

Naintindihan ko rin na malaki ang tiwala sa amin ni Sir dahil kami ay seniors  na pero masyado kaming naging kampante at naging relax dahil alam nga namin na isa siyang mabuting propesor. Dahil dito, sisikapin ko na maging responsable palagi sa lahat ng aking mga tungkulin bilang estudyante, hindi lang ito makakatulong sa akin para pumasa sa asignaturang ito, makakatulong rin ito para sa kakaharapin ko sa labas ng paaralan. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento