Linggo, Marso 4, 2012

Critical Commentary: Critical Western

Ang mga Critical Western Theories ay kinabibilangan ng Birmingham School of Cultural Studies, Frankfurt School, Post-Modernism, French Cultural Studies at Feminism-Queer Theory. 


Birmingham approach has been associated to different features. It is interdisciplinary because it has the tendency to seek niches in established disciplines thus losing a cross-disciplinary focus, or to establish itself as a new discipline in its own right. It stresses a broad definition of culture so the crucial concern here is what "counts" as culture for Birmingham. It rejects the high-culture/low-culture distinction because it endorses popular culture or mass culture. It also builds theoretically on Gramsci and Althusser.

Napagtanto ka na una, itinuturing nito na ang mga pang-araw araw na kaganapan sa buhay ng isang tao bilang kultura o kulturang popular (everyday politics). Ikalawa, sa sobrang lawak ng sakop nito, nagiging patama dito ang tungkol sa limitasyon kung kailan matatawag na kultura ang isang penomenon. At huli, ineendorso nito ang maka-masang kultura o mass culture.

May mga bagay na akala mo maituturing mong sa'yo lang o nakakabit na sa iyong pagkatao pero di mo alam,maraming tao rin pala ang gumagawa o isinasabuhay ito dahil ayon nga sa Birmingham, ang pang-araw araw na mga gawain ay maituturing ng kultura. Nakakatuwa rin at dahil walang diskriminasyon ang Birmingham kung titingnan ang iba't ibang klase ng kultura, para sa kanya, lahat ito'y pantay, maka-masa man o yung tipong matatawag na classic.

According to the report, Frankfurt school tended to seek possible instrument of social change elsewhere than in the more traditional workers' movements. It is dubbed as the opposite or the opponent of the Birmingham School. 


Ang pinakanatutunan ko dito ay ang pag-usbong ng mga social movements. Nakakapagbigay ito ng inspirasyon para ipaglaban ng isang tao ang kanyang sariling karapatan, ang tama mula sa kanyang palagay dahil lahat naman tayo ay may kalayaan na magpahayag ng sarili nating opinyon. Dahil dito, maaari itong magbigay daan para magbigay kapangyarihan sa mga pinahihirapan o inaapi. Maraming iba't ibang pagtatanggol na kumakalat para sa edukasyon ng lahat, kalikasan at pagbabago sa lipunan. Dahil tinitingnan ng Frankfurt school  ang high-culture, umusbong dito ang mga social movements na maaring magpawala sa linyang naguguhit sa pagitan nito at ng mass culture. 

According to the report, (own understanding/learning) ang post-modernism ay walang malawak na naratibo at ang mga ordinaryong kwento ay maaring maging kabilang dito. Ipinakikita rin nito na hindi lahat ng nakikita ay kinakailangang totoo o katotohanan. Samakatuwid, iba iba ang nagiging interpretasyon ng mga tao. Isa pang importanteng konsepto nito ay ang deconstruction.

Sa ngayon naniniwala ako na maraming bagay na mababanasagang post-modern minsan hindi mo na nga makikilala kung ito pa ba ay post-modern dahit tanggap na ito ng publiko bilang isang kagawian o tradisyon. At dahil na rin sa mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, marami ng iba't ibang ideya at konsepto ang naiisip na naiiba sa kinagawian at unti-unting magiging normal pagdating ng panahon.

According to the report, French Cultural Studies are focused on popular culture stemming from historiography and existentialist philosophy. Braudel is one important person which believed that history should not be viewed as a single narrative. LeFebvre introduced the concept of Quotidian and consumerism. Then De Certeau tackled about tactics of resistance. Bourdieu focused on the concept of agency. Lastly, Bakhtin pioneered on different dialogues and carnival. 


Kahit kanluranin maituturing ang mga Pranses, nakakatuwang isipin na ang French Cultural Studies ay sumi-sentro sa mga ordinaryong naratibo at kumikilala sa iba't-ibang papa-usbong o kaka-usbong palang mga kultura. Halimbawa na lamang ay ang mga jejemon dito sa ating bansa at ang mga beki or salita o wika ng mga bading. Sinasalamin din nito na kahit sinong tao ay maaaring makalikha ng sarili niyang kasaysayan. Kahit sino ay maaaring magsulat ng pang-araw araw niyang naratibo na maaaring maging parte ng kasaysayan pagdating ng panahon dahil maituturing itong naka-rekord at sinulat ng isang tao mula sa ibang panahon. Napansin ko ang pagkawala ng diskriminasyon at layunin nitong magpakita ng pagkakapantay-pantay, anuman ang lahi ng isang tao.

Sa usaping feminism-queer theory,  the personal is political.  Ito ang pinakadominanteng konsepto na natutunan ko. Ipinakikilala dito ang pantay na karapatan sa pagitan ng mga babae at lalaki. Alam naman nating lahat na dati, inalisan o walang karapatang mag-aral at bumoto ang mga kababaihan pero ngayon, kinikilala na ito. Sa aking palagay, walang kaso dapat ang kasarian dahil para sa akin hindi ito sumasalamin sa pagkatao ng isang tao, siguro sa identidad pero sa pagkatao niya, hindi. Masasabi ko na wala akong something against LGBT dahil naniniwala ako na dapat silang tanggapin dahil hindi importante sa akin ang kasarian dahil ito ay mistulang mga labels lamang. Subalit hindi ko rin masisisi ang nakagawian ng mga paniniwala, tradisyon at norms na umiikot sa ating bansa at gayon na rin sa mundo kaya patuloy itong nagiging usapin sa lipunan.

References:
Agger, B. (1992). Cultural studies as critical theory. (reprint ed.). London: Routledge. 
Powerpoint and handouts by different groups retrieved from:  http://www.facebook.com/groups/168774083227337/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento