

Naranasan ko ng mangmaliit o magdomina sa ibang tao kapag hindi nila ako nirerespeto o kaya naman ay minsan inaamin ko na nagiging mayabang ako dahil pakiramdam ko mas mataas ako sa kanila. Halimbawa ay ang mga waiters or mga salesladies na walang pakialam sa'yo dahil nauuna ang panghuhusga nila sa pagkatao mo. Dahil dito, minsan ay hindi ko maiwasang matarayan sila at ipaglaban ang sarili ko laban na rin sa panghuhusga nila sa akin. Isa pang halimbawa naman ay ang sa kapatid ko, dahil mas bata siya sa akin. Kinukutya at inaasar ko siya minsan dahil alam kong mas may alam ako sa kanya sa ibang mga bagay bagay, ngunit hindi naman ito seryoso at kalimitan ay nagiging biruan lang.
Napagtanto ko rin sa lektyur na ito ang aking simpatiya sa mga kabataang nagtatrabaho at sa mga pangkat etniko sa bansa. Itinanong ko pa nga sa aming propesor kung ang pag-aaral sa kanila ay matatawag na pangmamaliit o hindi. Ang sagot sa akin ay kung kinukuhanan ko lang sila ng impormasyon para sa sarili kong interes, minamaliit ko sila pero kung pinag-aaralan ko sila para sila ay mabigyan ng kapangyarihan o to empower them, ang mas mahalaga. Matagal ko na kasing binabalak na sumabak sa pag-aaral sa mga pangkat etniko dahil
gusto ko silang matulungan. Mayroon akong isang kaibigang nagbahagi nga isang website : http://www.cartwheelfoundation.org/ na maaring makatupad sa hangarin ko.
*images from Google
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento