Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ako. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ako. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Pebrero 8, 2012

Enero 26, 2012: Birmingham School of Cultural Studies

Sa kadahilanang hindi pa kumpleto ang karamihan sa mga grupo, ang grupo namin nila Ralf, Jikko at Rhea ang naatasang mag-ulat. Ang naatasang paksa sa amin ay ang Birmingham School of Cultural Studies.

Mayroong tatlong ideya na tumatak sa aking isipan matapos kong maiulat at mapakinggan ang mga karagdagang impormasyong ibinahagi ng aming propesor. Una, nilalayon ng Birmingham School na ituring ang mga pang-araw araw na kaganapan sa buhay ng isang tao bilang kultura o ang kulturang popular. Ikalawa, sa sobrang lawak ng sakop nito, nagiging pagpula dito ang tungkol sa hanggang saan ang maitatawag na kultura. At huli, ineendorso nito ang maka-masang kultura.

Hango dito, napaisip ako kung ano nga ba ang isang bagay na maituturing kong pang-araw araw kong kultura: pang-araw araw kong pag-uugali, pang-araw araw kong prinsipyo at pang-araw araw kong paniniwala.

Matapos ang konting pagmumuni-muni, napagnilayan ko na ang pinaka-prinsipyo ko talaga sa araw-araw ay ang pagiging tapat. As cliche it may seem and sound, I firmly believe that honesty is the best policy. Maipagmamalaki ko na ako'y isang tapat na tao. Paminsan pa nga sa sobra kong tapat, nagiging resulta nito ang pagkaprangka ko na may nadudulot namang mabuti at naniniwala ako na kahit masama man ang naidulot nito, katotohanan naman ang mga isinambit at nanaig. Sa kabilang banda, hindi ko maitatanggi na paminsan ako'y nagdadalawang isip na magsabi ng katotohanan dahil alam kong maaari akong mapahamak, o ito'y maaaring makasakit, pero ang nagiging resulta pa rin nito ay nagiging matapat ako. Ang pagiging tapat ay nagpapalaya ng kalooban, nagpapagaan ng pakiramdam at nakapagdudulot ng mabuti, masakit man o hindi.

Ang prinsipyong ito, hindi man natin mapapansin na nangyayari sa pang-araw araw na buhay, masasabi kong, sa aking paglalakbay, patuloy ko itong isinasabuhay dahil ito'y nakakabit na sa aking pagkatao.

*Image from Google

Martes, Enero 24, 2012

Ako at Ikaw

Kilala mo ba ang iyong sarili? Kung gayon, sino ka?

Ang mga katagang iyan ang paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan. Sa totoo lang, hindi ko lubos masabi kung talaga ngang kilala ko na ang aking sarili sa punto ngayon ng aking buhay. Alam kong kilala ko na ang aking sarili. Naniniwala akong oo.

Masasabing kilala mo ang iyong sarili kung kaya mong mailarawan kung sino ang "hindi ikaw" o ang iyong "other."

Dahil ako'y naniniwala na kilala ko ang pagkatao ko, ang "other" ko ang mga sumusunod:

  • Hindi madaling magalit o mairita, mahaba ang pasensya~Inaamin ko na ako'y isang tao na mainitin ang ulo at madaling mainip o mapikon
  • Marunong tumanggi at hindi madaling makumbinse~ Nahihirapan kasi akong tumanggi sa ibang tao, pakiramdam ko'y kasalanan ko kung tinanggihan ko sila at madali akong mapapayag sa kahit anong pabor.
  • Madamot~Ako'y mapagbigay :)
  • Medyo tahimik~ Kahit na sa una ay para akong mukhang seryoso at tahimik na tao, sa totoo lang, ako'y isang maingay at madaling pakisamahan na tao. 
  • Medyo rebelde at pasaway~ Masunurin akong anak kahit na minsan ay nagrereklamo ako sa aking mga magulang, sa huli, sinusunod ko pa rin sila.
  • Lalake~Babae ako
  • Matangkad~Medyo kinulang ako sa aspetong ito.
  • Positibo palagi- Ako'y negatibong tao. Lagi kong inaasahan ang negatibong kahihinatnan ng mga pangyayari.
Importanteng makilala ang sarili at makilala ang iba para sa maayos na pagkakaunawaan at relasyon sa isa't isa. Ayon sa pagkakakilala ko sa aking sarili, kapag naka-engkwentro ko ang isang tao na may ibang pagkatao sa akin, kaya ko itong pakibagayan at sa tingin ko maaari ko din siyang maging kaibigan. May ilan akong mga kaibigan na maituturing kong "other" ko, kahit na ganyan ang sitwasyon, nanatili pa ring matatag ang aming pagkakaibigan dahil ika nga sa ingles, we complement each other

*image from Google